BlogYYY
Wednesday, May 2, 2007,2:18 PM
Slacker
Tatlong araw na din akong slacker dito sa bahay namin.hindi ko masasabing walang kwenta tong ginagawa ko..hehe..Gumagawa ako ng wala(uy!bob ong ulit!sang libro un?alamat ng gubat page....ewan...)Kasi madami din naman akong naiisip at narealize.Minsan yata kelangan talaga ng tao tumigil sandali sa mga ginagawa nila at mag isip-isip.Eto ang mga naisip ko nung wala akong magawa..
1.Nood ako ng PBB,madami nagsasabi na walang kwenta yung palabas na yun...hmm...ang
masasabi ko,,hindi rin,,,Bakit?Ganito yan..alam nyo naman siguro yung tungkol kay
maricris...Pero sa mga taong hindi alam,,na-force evict sya kasi may ginawa syang against sa
rules...ung violence eklavoo nga daw...kahit hindi nya ginawa at sinabi lang nya e ganun padin
daw un...chaka hindi daw marunong mag handle ng galit itong si cris...which i think is
true.Antagal ko ng napapansin na palagi syang asar,irita,galit,bwisit..Wala kang ibang maririnig
sa kanya kundi ang pagka aburido nya sa ibang housemates.Yung negative vibes tuloy nya
naipapasa nya sa mga nanonood...parang sumasama tuloy pakiramdam ko pag nakikita ko sya...Ampangit sa tv na palaging ganun..So sobrang tuwa ko talaga na nung nalaman kong mapapalayas sya.hindi ko sya maintindihan,hindi ko sya gusto kaya mabuting umalis sya.Pero sa bandang huli,naisip ko...........Gaano mo man ka ayaw ang isang tao,meron at meron pa ding bagay na maganda sa taong yun.Walang ginawa ang Diyos na totally masama at hateful na tao.Si maricris ayoko sa pagka iritable nya pero meron isang bagay na maganda sa kanya,hindi nga lang ganun ka obvious kasi nga natatabunan ng pagka masungit nya..so natutunan ko na lahat ng tao ay mabuti.kelangan mo lang alisin ang focus mo sa mga ugali nyang hindi maganda.dapat bigyan mo din ng pansin,kahit gano kaliit ung mga mabuti sa taong yun.Siguradong meron ant meron kang makikita.
2.Eto hindi ko napanood,naisip ko lang sa sarili ko.May mga taong hindi talaga pala-iyak,pero hindi ibig sabihin hindi sila nalulungkot..siguro nga walang luha sa mata...e sa puso kaya?Naiintindihan ko ng mabuti ung mga taong ganun...kasi ganun ako..Minsan mas gusto ko na lang ngumiti kasi mas madali yun kaysa mag explain sa mga tao kung bakit ka malungkot..Hassle naman kung iyak ka ng iyak...chaka hindi ko pinipigilang umiyak...meron talagang mga tao kamuka ko na pag nalulungkot,imbis na umiyak e tatawa nalang...iba-iba tayo ng paraan ng pag-grieve...o mayged!!praning na ako.haha!!pero yang tawa nayan,masaya yan ha..hindi naman ako malungkot ngayon pero gusto ko lang ipaliwang kung paano gumagana ang utak ng mga taong kapareho ko.nakakaasar kasi(nyay!maricris is dat u?!)may mga taong pilit ng pilit na umiyak kalang at ilabas ung lungkot!!Duh!!hindi lang naman mata ang outlet ng lungkot ah!!!pwede sa ilong!sa bibig!sa pwet!!kahit san!!Mali kasi sa tao na luha lang ang ginagawang basehan ng kalungkutan!!mali!mali!ah...talagang suicide ka nalang..
3.May mga friendship talagang hindi pang forever,masasabi kong madami akong naging friendship na naging ganun..wala...walang away,pero hindi talaga sya forever thingy..ang dami ko talaga naging ganyan,,,na umabot sa point na sinabi kong ayoko n ng friendship na nag eexpire after a year!crap! para talaga akong sumabit nun..ayokong bumitaw kahit na binitawan nya na ako.pero mukang hindi talaga para sakin ung friendship na yun kasi...gaya ng iba kong --ship eh nauwi din sa wala.natutunan ko na ang frienship gaya ng lahat ng uri ng --ship e two way yan...hindi pwedeng isa lang ang may gusto kumapit,hindi pwedeng isa lang ang kumikilos..Napagod ako.binitawan ko na din sya,ayun laglag!haha!!masakit kasi nauna syang bumitaw e.masakit pa ito sa syota mong inayawan ka...dahil ang syota...alam mong pwedeng hindi forever ang relasyon pero ang friendship??come on!!madali makahanap ng syota pero kaibigan na hindi ka ilalaglag...mahirap...ayun...dumaan din ako sa selos part,,kahit na sinabi ko sa sarili kong hnd ko na sya friend...syempre masakit na may iba na syang kaibigan,,,at hindi ka isa sa mga un...hay...so much with that Crappy sad feeling...Maswerte ako dahil sa wakas!sa wakas!mukang nakahanap na ako ng mga kaibigang wlang expiration date!may nagsabi sakin na palagi daw ako nagbabawas ng kaibigan,,,ang sabi ko naman...wala sakin un,,,aanhin ko ang marami, kung iilan lang sa kanila ang tunay kong kaibigan.yang mga textmate ko..alam ko hindi yan mga taong panghabambuhay na kaibigan....so ano ngayon sakin kung alisin ko sila sa buhay ko??e ang mga tunay kong kaibigan..hndi ko man itxt ng 1 milyong taon alam kong hindi nila ako nkklimutan...hindi nila kelangan sabihing i miss u..dahil alam ko mahal nila ako,hindi man nila sabihin..Sobrang laki ng pasalamat ko sa Diyos kasi sa wakas nakakita na ako ng mga taong totoo sakin,mahal ako sa kung ano ako at hindi dahil sa kung anong image ang ginawa ko sa mata nila.Sa kanila ako nagiging 'ako'...Masaya ako kasi nahanap ko sila
Lara,
Angela,
Joan sa buhay ko..mga taong sinasabi nilang masyadong matalino para sakin.at mga walang panahon para sa sarili nila...hindi nila alam na sa kanila ko nalamang matalino din ako.(wohoo!!)totoo yun..akala nila ako palagi nagpapatawa sa kanila pero sa totoo lang kulang p un sa ginawa nila sakin...ginawa nila akong 'tao'(hindi po ako unggoy dati)
hay ,,,ayan ang mga narealize,,naisip,,,,mga pumasok sa utak ng buhay slacker...
Labels: friends, pbb
Friday, April 27, 2007,11:29 AM
halo-halong post

Andame ko ng naisip na ilagay dito sa blog ko pero plagi akong tnatamad.kaya paghahaluin ko nalang yung mga naisip ko noon..
1.hindi ko masyado gusto yung mga taong laging nagsasabi ng "i miss u",minsan kahit hnd naman talaga nila namimiss ung tao sinasabi parin nila un..parang ung ibig sabihin tuloy ng "i miss u" e naging "ay!" nalang sa pandinig ko lalo na sa mga taong madalas magsabi nun.ewan ko ba kung bakit sila ganun..ako kasi e hindi ko sinasabi yun unless namimiss ko talaga ang isang tao.Diba mas masarap marinig un sa taong alam mong bihira lang un sabihin pero alam mong totoo ung sinasabi nya..Ayun...ayoko lang ng ganun...
2.Lagi akong nanonood ng pbb...hehe...alam nyo naman sigurong may nangyaring swap diba??ang masasabi ko lang dun e...walang kwenta mga slovenian...haha...ang baba ng tingin ko sa kanila..wala silang modo..chaka ung tungkol sa liberated yung mga un....ay nako...para silang mga aso na kung kelan gusto makipag sex e tutuwad nalang sila kung saan saan! hay nako kadiri...tapos tayong mga pilipino ang taas ng tingin natin sa mga foreigner e di hamak namang mas mataas ang tingin natin sa sarili natin...Tinatanong ko sa sarili ko...eto ba mga gusto kong maging?mga foreigner na asal hayop??gusto ko nang maging mahirap na pilipino kaysa maging ganun..
3.Ako'y adik nnaman sa hana yori dango (japanese version ng meteor garden)ui aminin...kayo din naadik sa meteor garden...hehe...ang ganda ng japanese version...mas gwapo sila sa taiwanese!!2005 lang sha in-air sa japan...mukang pinanood muna ung meteor garden tapos tinake note ung mga pangit tapos pinaganda nila...ewan ko kasi mas kilig to... kahit na halos wala silang pinagkaiba maliban sa japanese nga itong hana yori dango...hehe syempre ang gwapo nung mga nandun...pagbigyan nyo nako....mahilig talaga ako sa asian e...ewan ko...wala pa akong naging super duper crush na hindi asian...wala kasi silang dating tapos parang sila ung mga nasa porn movies...nandidiri ako...wahaha!!! mukang hindi na lang korean gusto ko...pati japanese na! bumili talaga ako ng dvd para mapanood ko na ng buo...syempre alam ko na ung story pero gets???ang gwapo!!!!gusto kong titigan!!bakit pwede mo bang ipause ung sa tv?hnd diba!!haha ang saya talaga!!salamat sa piracy..nagdownload din akong kanta!!shet!!!talaga!!!nasisiraan nnman ako ng ulo...pag matutulog nako sila lagi nasa isip ko..wahaha...
4.galing nga pala akon impyerno kahapon...ay este enrolment sa ust,,jusko!!!!!!!!lahat ng ggwin kelangan pumila.ppili ng PE kelangan pumila...magbbayad...pila....magppapicture..pila....kkuha uni4m...ppila....University of Pila yata tong pinag enrolan ko e...grabe...kahapon yata ulit ako nakaranas ng matinding gutom...sa skul kasi kumakain ako kahit hnd talaga ako gutom...kakain ako kasi time na para kumain at kelangan kumain...Kahapon nga nung nalaman kong may id picture pa...gusto ko ng sumuko kasi gutom na gutom na talaga ako!hindi ko alam kung saan ako kkuha ng lakas para sa panibagong PILA!!!!!pero nung nakita ko ung sign ng Jollibee,parang lumakas ako ng onti...iniisip ko nalang malapit nako makakain,,,sa totoo lang mas uhaw ako kaysa gutom...nahihilo talaga ako sa sobrang inet!!!hayop!
Meron na nga pala akong nakilalang magiging classmate ko..Audi daw name nya odba parang sskyan lang e...pareho kameng section chaka pareho kme ng napiling PE...softball...naks...matagal ko ng gsto maglaro nun...hnd ko natupad un sa st scho kaya siguro pwede kong matupad un sa ust...Si audi nga pla any taga st scho din..manila nga lang,kaya siguro magkasundo kami agad...yeboy!kadiri kasi ung ibang nandun...nakakairita...may tatanga tanga...may super yabang na muka namang taga bilibid prison..susmaryosep!!!maligo ka muna iho bago ka magfeeling gwapo jan!!!muka kang libag!!bwiset!!hindi ko alam kung pano ako mabubuhay kasama ung mga un...hnd sila kulasa....ang hirap nila pakisamahan!!ang weird nila at so ewwwee mga pinaguusapan!!hay nako!ayoko talaga sa mga lalaking puro hangin laman ng ulo...
ocge na naikwento ko na lahat,,,tapos nadin dinadownload ko...
O ayan
Joan Uy may post na ko ha...
Labels: hana yori dango, pbb, ust