BlogYYY
Wednesday, October 31, 2007,1:11 PM
i got tagged
Q: NAME A FRIEND WHO'S NAMES STARTS WITH A 'S'
S???hmm…sarah na nga lang din..
Q: 4TH PERSON ON YOUR MISSED CALLS
- Daddy
Q: WHAT DID THE LAST TEXT MESSAGE YOU RECEIVED SAY?
- A quote from Vhal…napangiti nga ako nung binabasa e..
Q: DO YOU CHEW ON YOUR STRAWS?
- nope..wala ako mahihigop..
Q: DO YOU HAVE CURLY HAIR?
- wavy ,I guess
Q: WHAT IS THE NEXT CONCERT YOU'RE GOING TO?
- wala..wala naman akong pera e
Q: WHO'S THE COOLEST PERSON IN YOUR LIFE?
- umm..ewan
Q: WHAT WORDS DO YOU SAY ALOT?
-Ewwness,shocks,yuck,churva
Q: WHAT IS THE LAST THING YOU ATE?
- hotdog,,,o daba…breakfast mood..
Q: WHAT WAS THE LAST THING YOU SAID TO SOMEONE AND WHO WAS IT?
- "patayin mo nga yang TV!!ang aga aga wowowee nnman!”>>to nini
Q: DO YOU WATCH TV?
- yup.
Q: HAVE YOU SEEN THE MOVIE, DONNIEDARKO?
- nope
Q: EVER BEEN HUNTING?
- boy hunting? I always do…
Q: IS MARRIAGE IN YOUR FUTURE?
- siguro naman..ayoko naman maging old maid
Q: WHEN WAS THE LAST TIME YOU SAID, ''I LOVE YOU'' AND MEANT IT?
- I haven’t said it for quite some time..
Q: WHAT SHOULD YOU BE DOING RIGHT NOW?
- wala..
Q: DO YOU HAVE A NICKNAME?
- Yes.
Q: DO YOU BELIEVE IN LOVE AT FIRST SIGHT?
- nope.
Q: WHO'S THE YOUNGEST ONE IN THE FAMILY?
- me
Q: IS DRUG FREE THE WAY TO BE?
- I don’t really care..
Q: DO YOU CLEAN UP NICE?
- I dunno?
Q: LAST TIME YOU USED A SKATEBOARD?
- when I was 5?
Q: WHERE WAS THE LAST PLACE YOU SLEPT BESIDES YOUR HOUSE?
- Pami’s house…tapos pagkagising ko...nagmamadali ako umuwi..
Q: EVER RUN OUT OF GAS ON THE ROAD?
- haha!not my problem..
Q: BEST MOVIE YOU'VE SEEN IN THE PAST TWO WEEKS?
- Stardust
Q: WHO DO YOU TRUST THE MOST?
- no one but myself…at talagang ganun!haha!!pero 22o un.
Q: DO YOU THINK PEOPLE WHO COME UP WITH BRAIN DEAD QUIZZES ARE CRYING FOR HELP IN SOME TWISTED WAY?
- ewan ko?!
LAST
1) person you saw: Nini
2) talked to on the phone: wala
3) hugged: my dog!
4) person you texted: mommy!
TODAY
1) date: 31 October 2007
2) plans: to be on the Dean's List next sem(princess)>>same with me!
3) dislikes about tomorrow: November 1. I have to wake up very early…
CURRENTLY
1) missing someone: umm..nobody…
2) mood: wala lang…not happy,,,not sad..
TRUE OR FALSE
I am a morning person: FALSE.
I am a perfectionist: True. Somehow,,
I am an only child: False..
I am currently in my pajamas: False.
I am online 24/7: False.
I am very shy around the oppsite gender: true
I can be paranoid: TRUE
I currently regret something that I have done: False.
I enjoy talking on the phone: True.
I have a lot to learn: True.
I have a secret: True.A Lot!
,12:54 AM
Magic
i heard this song a long time ago in magic...but it was just today that i had the time to google the title.the melody is really nice and makes me very sleepy..don't mind the video though..i miss sam yg...he's suspended for some reasons...haha!
Labels: bubbly, magic
Monday, October 29, 2007,9:00 PM
pbb
ang saya saya wala na ung 2 pesteng maingay na 26K...eto ha...ung Jen na sobra kung maglawlaw ng boobs....17 lang??!!!jusko...muka nang matrona...grabe ha...i find her too annoying kc sobrang asal kalye nya...pinagmamalaki nyang hindi sya plastic....oh come on!!!....
sana this week ang matanggal si Baron...npaka slob ng dating nya and super bastos..feel nya sobrang good looking nya...wahaha...sobrang baduy ko naman ngayon at PBB naman ang napg tripan ko
,8:33 PM
kesoful
wahaha!!sa wakas at naidikit ko na din ang lyrics ng kanta...pag pasensyahan nyo nalang at masyado akong ma keso...ang cute kasi ng kanta parang feel ko na mag graduation...hehe!
malapit na pumasok!!!rarrr!!!kaya naman kung matulog ako e sobrang haba...at hndi pa kasama dun yung mga tulog ko sa tanghali....hahaha!!sinusulit ko na ang nalalabing maliligaya kong araw...
Ang saya maging masaya!whew!cguro eto na...bumabalik na ako sa dati!yehey!!
Alam mo ba may nagtext sakin parang eng eng ksi sabi "anong name mo?pwede Poh bang makipagtxtma8?reply ka asap." halerr...asar ung mga nagttxt ng ganyan...ang cheap...ewwness at kaderrderr to death!hmff! Chaka what's with the Poh?!!eww kadiri talaga...Ang chaka ha...rainbow ako at sobrang kadiri ung mga un...
Kanina sinubukan ko manood ng Corpse Bride...inantok ako agad kasi ung kulay nya...tlaga naman...pro napanood ko na toh dati...hehe...nilista ko na mga ddlhin kong libro sa pag-uwi ko sa province,,(parang wala ng balak umuwi e) at excited na talaga ako kasi naman 5 yrs old ako nung huli akong sumakay ng bus papuntang province...mas masaya kasi pag bus...haha!!Tapos dun kami matutulog sa creepy na bahay...yun ung bahay na pinag burulan nung namatay lola ko...malaki sya sobra...tapos may nakita akong white lady sa labas na talaga namang kumaripas ako ng takbo at sa kasamaang palad e naihi pa sa shorts...wahaha!!sobrang takot ko...hnd lang ako ung nakakita...pati ung mga pinsan(di ko sure kung pinsan o ka ano-ano ko sila)ko nakita din...at sabay-sabay kami tumakbo papasok...hehe...ano na kaya ichura nung bahay na un??
,1:18 PM
it's so nice to be happy...
Happy happy ako..(tntmad ako sbhn kng bkt)anyway....hehe...gmgwa lang ako ngaun nito kasi ambagal ng dindownload ko..songs ni Josh Groban..haha!naalala ko lang si Nicole Reyes..kasi favorite nya si Josh Groban..at dahil sa kanya nakilala ko si Josh Groban...sabi pa nga nya mayaman na ang Pilipinas pag nakapunta na dito si Josh...hehe...after 3 years nagkatotoo na ang concert nya..sayang...gusto ko nga pumunta kso.......sobrang mahal...siguro magpapaka kuntento nalang muna ako dito sa mp3...hehe...pag mayaman na ko siguro...susundan ko pa kahit sang bansa pupunta si Josh Groban...haha!!
HMM...nagbasa din ako kanina ng Reader's Digest...kagulat nga ksi madami akong nabasa...usually kasi mga walang kwenta nandun e...
Uuwi kami ni mommy sa probinsya,,,iniisip ko pa kung ano ano mga ddalhin ko para di ako ma bore...1st time kong mag bubus.. ksi tinatamd si daddy mag drive...si kuya naman ayaw din ksi malayo...well...ok lang ksi masaya naman sa bus,,,yeahboy!
Wala akong kilalang pinsan sa side ng mommy ko...actually..hnd naman sila importante sakin...HAHA!! Ang tinuturing ko kasing pinsan ung mga anak ng katulong dati nila mommy....may chika kasi na ung anak nung katulong e anak din ng tito ko...pero wlang umaamin...haha!!chika sakin un ng katulong nmn...labo no...anyway,,,like ko naman sila ksi mabait sila sakin chaka kasundo ko sila...minsan dito sila samen nag papasko kaya mas masaya ako...tapos ung isang pinsan ko na ka age ko lang...share kami sa room...haha!!masaya kasi wala akong kapatid na babae na halos ka age ko...
ayun...sige...tapos na dndownload ko..aalis nnman ako bukas...di ko alam kung sasama ako...hmm...
,12:14 PM
scholastican survey
1. Current year/year graduated
2007
2. What were your sections?
Prep - Matipid
1 – Gentle
2 - Cooperative
3 - Thoughtful
4 - Compassionate
5 - Persevering
6 - Prudent
I - St. Joan of Arc
II - St. Margaret Mary
III - St. Milburga
IV - St. Catherine
3. Are you a pure-blooded Koolasa (Prep to present/4th year)?
Of course!
4. Entrance
Gate 7,,,na ginawang Gate 6
5. Favorite hang-out place
GS: Gym.fields.canteen(nyahaha!). HS: Classroom ng Frances,canteen
6. Kada/s
GS: umm…every year iba-iba..grade 4-ayin,danica,,,,grade 5-majo,jobelle,franchesca,,,grade 6-tinee,jonel,diorella,ciara,dang,janelle,odee,Pauline,pami
HS: 1st year-marvi,majo,joan,,,mejo pangit kasi pag barkada
7. Clubs
Prep - Kiddie Theater
1 – Art Club
2 – Girls Scout
3 – Flute Ensemble
4 – Marian?
5 – Marian???
6 – Techno Kidz
I – Communication and Theater Arts Guild
II - Communication and Theater Arts Guild (COMTAG)
III -COMTAG
IV - Arté Etra (formerly known as COMTAG)
8. Most memorable section(s)
III-Milburga,IV-Catherine
9. Most memorable school year(s)
Gr. 2 & 4, Yrs. III & IV
10. Most memorable teacher(s)
Mrs.DeCastro,Ms.Felizardo,Ms.Nayve,Mrs.Acyapat,MRS.ROSACAY,Ms.Eata,Ms.Delos Reyes,Mrs.Zamora,Mrs.Cruz(Riezelstttt),Mrs.Sierra..Ms.Gabor and the crumbs on my face..
11. Graduated with/have a clean record
Yes.magaling ako magtago e
12. Crammed
haha!!tinatanong p ba yan?
13. Failed a periodical exam
hindi naman
14. Got a 97
Yes.
14.5 Subject/s
Guidance ba un?basta ung subject na hindi mo nman ikktuwa pag nag 97 ka…chaka CIVAC
15. In/was part of the student council?
nope
16. Have you ever been to S'Mall?
haha!oo nmn pero di nmn madalas,,,Circle mall na un ngaun..
GRADE SCHOOL DAYS
16. Played 10-20 or killer-killer during lunch break
10-20 oo!nasisira plagi sapatos o kaya nmn medias ko jan
17. Know the story about the haunted swing, haunted cabinet, haunted something
isa ata ako sa mga utu-utong naniwala jan e
18. Sat on a color-coded stool
yup
19. Borrowed something from the IMC
Yup…mga board games
20. Reached more than the 3rd GS library card
haha,,,hnd
21. Fell in line with a different section during line formation
hnd
22. Graduated with honors
how I wish
23. Watched/joined the Prep costume parade
yep
24. Won an award
Yes.
24.5 Which is/are...
sa Sustagen something,,,yung costume dun..chaka,,on the spot drawing nung grade 6
25. Made a ball out of paper and played dodgeball with it
nope
26. Ate a gingerbread cookie from the canteen
nope
27. Fried an egg in Home Economics
I always do.wala nmn may gusto mag prito kundi ako lang
28. Was taught how to iron in Home Economics
nope…
19. Fought childishly with a classmate/busmate
haha..guilty
20. Graduated with honors
nope
HIGH SCHOOL DAYS
21. Been late in class because you didn't hear the school bell
oo!!
22. Joined the sportsfest
yes
23. Got caught not wearing ID
nope
24. Got a gatepass
nope!kaya di ko alam kung ano ichura maxado nung gatepass
25. Faked parent's signature
hehe,,oo,,,sa portfolio ko…nakalimutan ko e
26. Brought a cellphone
yeah…sobrang minsan lang
27. Joined a fieldtrip outside Manila
ay..magwwala ako pag di ako makasama
28. Had Maristian friends
hmm…servicemates,,,
29. Faked sick to miss class
haha!!oo..gawain ko yan nung bata ako…pero nung HS hnd na
30. Had a male teacher
Yes?..
31. Took recess in the classroom
Yes.
32. Stayed in school even if classes were suspended
naghihintay ng sundo…
33. Did cartwheels in the field near the flagpole
I dunno how…
34. Climbed up the rooftop
inggit ako…
35. Noticed that they still haven't changed the music room bulletin board
ang ganda kasi e…
36. Been to the principal's office
hmm…yes…pero wla akong kasalanan(*defensive)
37. Surfed other sites during internet research
yes…tingin lang nmn e..
38. Joined a prayer rally
nope..
39. Slept during an orientation/seminar
hmm…hnd pa
40. Missed a recollection
Were we allowed?
*Edited.
Friday, October 26, 2007,11:16 PM
swimming
I’ll go swimming bukas,,,haha!I know it’s weird kasi sobrang tapos na ang summer chaka maulan na…un din nman ang palagay ko pero na convince ako ni buada ksi nga mas masaya daw mag swimming pag hindi mainit…haha! Tama naman sya ksi ayoko din nman umitim lalo…wala akong enough time para mag transform ulit sa dati kong kulay pag pasukan na ulit…to think na 1 week to go nalang..3 lang kami mag sswimming pero masaya talaga ako kasi makikita ko na si Pami chaka Buada…wahaha!! Si Pami ang isa sa mga pinaka close friend ko at masasabi kong isa sa mga konting tao na nakakaintindi sakin..same with Buading..Matagal ko ng friend si Pami…simula pa nung prep tapos mejo nagkahiwalay ng landas tapos barkada ulit kami nung grade 6..kaso nung grade 6 ang suplada nya sakin kaya hindi kami ganun ka close..nung 4th year talaga kami naging close ulit dahil may isang tao kaming kinamumuhian..at pinagttripan…si boses pek(2x) talaga namang ang sarap jomabagin oras na bumukas ung bunganga…chaka ung tao sa clasrum na joined forces naming pinaplastic at syempre si Mitch na butihin naming estudyante…sa AA sa Physics at pati nadin sa…ahemmm...Masaya din ka group si Pami sa mga project kasi hindi nyan pinasakit ang ulo ko sa thesis…Si buada naman…gaya ni angela cruz…naging close kami nyan dahil sinuntok ko sya sa tyan…haha..ang labo no…naging close pa…ah basta…eion..dun nagsimula yun…pareho kaming bopols sa programming…at plagi kong tinatwag si Pau o kaya naman si Diane…wahaha! Tapos kami din nagpasimuno ng eating club sa classroom…ang wlang dalang food…bawal kumain…haha!!dun sa gilid o kaya sa likod ng classroom pinaka masarap kumain kasi hindi kami napapansin…o sadya talagang hindi na kami pinapansin…hehe…
Naiinis ako sa isang tao.. *clue : hindi sya nagbabasa ng blog ko,,,so hindi ikaw yun..ok..
Ewan ko ba…tuwing kausap ko sa fone..may katext din sya…nakakainis kasi parang nasasayang yung oras ko..considering the fact na sya pa nagpatawag sakin sa bahay nila…tapos ganun pala ggwin nya..naiinis ako kasi ginagawa nya kong telephone operator na pwedeng mag stand by sa phone…at abangan kung tapos naba sya mag text…gahhdd….nayayamot tlaga ako…hindi ko muna sya kkausapin for 5 years…siguro naman by that time tapos na sya mag text! Haha! Selosa ba ako? Ang explanation ko naman jan..ayoko lang ng binabastos ako…pag kinakausap ako..un ang gawin mo.hindi yung kung ano ano pa jan…mainit nnaman tuloy ulo ko,,
Wednesday, October 24, 2007,2:41 PM
anal grades
i passed!!!!!!!!!!!!!! i'm officially enrolled for the next sem!!!!!!!!!!!!!wahaha!!
nung kinukuha ko palang grades ko...all i was hoping...was to get at least 3 in my logic subject...grabe andame kasing 3 dun e...so pano pa kaya ako...3 kasi is the pasang awa grade...haha!hnd na ako mag hahangad ng mataas basta ipasa ko na ung subject na un..and i did!!! hahaha!!gusto ko gumulong sa saya...pero...madami akong classmates na bumagsak sa mga drawing subjects...eto ha...i'll be super honest with this..hindi ako natuwa dito syempre pero hindi din nman ako naging ganun ka upset sa nangyari...kasi kggwan nila un...napaka imposible kasing bumagsak ka dun kung kahit papano ginagawa mo talaga yung pinagagawa sayo...ah basta...lesson toh para sakin kasi ayoko magdagdag ng years sa pag-aaral ko...
sobrang napagod naman ako dun sa enrollment grabe,,,kala ko katapusan ko na talaga e...ang lakas lakas lakas pa ng ulan pag-uwi ko...hmm...walang baha sa espanya...siguro dhil kakaumpisa plang malakas na ulan...dapat ihahatid namin ung friend namin kasi wala syang payong...kaso hindi na ako sumama kasi sobrang basa na yung backpack ko...andun yung cellphone ko at ang reg form ko(ang ginto ng buhay ko)...wala na akong paki sa sarili ko kasi basa nadin nmn ako...yung gamit ko talaga iniisip ko...buti nalang may dala akong slippers kaya hinubad ko ung sapatos ko kasi baka masira sa ulan.....buti nlang mabilis ako nakahanap ng jeep..at syempre mejo natuyo na ako sa loob..kaso nung malapit nako bumaba ulit,,,lumakas nnman ang ulan..tinupi ko na ung dulo ng pants ko para hnd na mabasa...buti mabilis din ako makasakay...yung mga tao kasi hnd makalapit sa jeep kasi wala silang payong at hinihintay nilang yung jeep yung lumapit...buti talaga may dala akong payong,,,,hayy,,,,lakas talaga ng ulan..pagdating ko sa bahay naligo agad ako...baka kasi ako lagnatin...haha! meron pa naman akong pupuntahan sa sabado at madami pa ko lilinisin na kwarto..hayyy....second sem na...parang new sheet ng papel...pwede mo dumihan ulit...o kaya naman gawin mong malinis dahil natuto ka na sa mali mo dati...
PE ko nga pala volley ball...wala lang...bigla ko lang naalala si CJ(cura) hehe...sana lang hnd ako ibagsak dito ha...bago na sked ko...hirap i memorize ng rooms ko...grabe iba-iba tlga...meron sa 3rd,4th,5th,7th floor...wooh!kahilo!! at eto pa...nalula ako dito ha....physics namin...5 hrs lang naman 2wing tuesday...parang ako...ANO?!!!!! e sa st scho nga...1 hr lang na physics gusto ko na sumabog sa sobrang pagka inip e...ngayon physics 5hrs straight...anak naman ng kamote,...........mangangamote na ata ako ah...kala ko masaya na kasi wala ng logic...napalitan nmn ng physics..geom.chka humanities....grabe......ah basta...kelangan lang ng pagseseryoso...this time magagamit ko na talaga utak ko...kasi mejo kinalawang ata un nung 1st sem...
Saturday, October 20, 2007,7:25 PM
xmas
e2 naadik na ko sa pag gwa ng post...hmm,,,punta naman tayo sa pasko...ewn ko ha,,,pero iba tlga pag malapit na magpasko...may distinct smell ang hangin..."simoy" in tagalog...hehe...sa buong taon...eto ang pinaka hihintay ko bakit?:
1.walang pasok!
2.madaming regalo!
3.madaming pera!
4.madaming pagkain!pati sa labas...ung puto bumbong(tma b?)..bibingka!uso pa samin yan kasi para pdn nmng probinsya sa san mateo...
5.kasunod nito new year!
6.masaya ang mga tao!
7.ang ganda sa mall!
8.may xmas decor na ang bahay namin!at si santa nakkta ko sa bubong ng kapitbahay nmn!ung fake lang ha
9.maingay sa labas kasi madaming nambubulahaw este nanga2roling...yarr!!the spelling!
10.MALAMIG....brr!!
yehey!excited na talaga ako magpasko!
,7:10 PM
bday plans
ayan ggwa ako ng magkasunod na post,,,awat muna tayo sa usapang pagkabaliw ko..
iniisip ko....(overworked na ata utak ko a...mabuti kesa naman sa slightly used na utak ni...nino ba?)
aun!iniisip ko...habang nag dedebut yung pinsan ko...bonggaeshus tlga...mag gaganun ba ko?iniisip ko palang kinikilabatutan na ko...hnd ko feel kasi ang mag gown...pasuotin mo nalang ako ng swimsuit!
ayoko din yung...idea na birthday ko pero inaasikaso ko yung ibang tao..(sino ba nagsabi sakin nito?si lara ba?basta agree ako sa taong yun!!)
ayoko ding sumayaw!!!!!!
ang gusto ko lang sa mga debut na yan...regalo...chaka ung mga message..hehe
So kung hnd ako magdedebut e ano naman ang gusto ko???????????
hindi ko naman yata kayang palipasin lang yung araw na yun...ayoko din nmang kakain lang ako sa labas kagaya ng iba kong bday...kelangan iba to sa lahat...
ang tindi...ayos na ko sa regalo...ano kaya?hmmmm....
,6:43 PM
sad story of mine
bakit ganon?pagkatapos ko maging sobrang saya sobrang lungkot ko naman kinabukasan...hayy,,,nakakainis naman..ngayon yata ako nakakaranas ng matinding depression e...ang iniisip ko kasi kagabi,,,meron kaya akong makikitang new friend na pwede ko sabihan ng problema if ever meron man?natatakot kasi ako,, kasi until now parang wala padin akong nakkitang tao na makakausap ng seryoso.hindi ko naman masabi sa hs friends ko kasi hnd nman cla palagi ko nakakasama....ngayon lang sembreak ulit ko nakausap c joey tapos andami kong sinabi sa kanya,,,sana lang talaga dumating na ung taong hinihintay kong makakagaanan ko ng loob tapos pwede ko ishare ung mga gsto ko sabihin at ganun dn xa skn,,,inggit nga ako sa ate ko kasi meron syang friend na super duper close nya talaga...classmate nya dati sa ust...kasi let's face it...nakakasira ng ulo pag mag-isa k lang sa college,,,
hay,,,sabi nga ni joan...(habang nag shoshopping kme) wag ko daw hanapin yung gusto ko...kusang dadating yon...**at nagkatotoo nga**
ganun din ba sa tao?sana...dumating na...pls...pls..pls...nsisiraan na talaga ako ng tuktok e..feeling ko malapit nako maloka.
ok nman ako sa mga kaibigan ko ngayon.masaya sila kasama pero merong iba ksi e...palagi kaming nag-uusap as a group...tawanan...gaguhan...lokohan...sexy time!!crush(hatest topic)un bang walang time para sa one on one,,,may mga gsto kasi akong bagay na 1 tao lang sa mundo ang gusto kong may alam..kumbaga kelangan ko ng favorite friend...wahaha!!ung pwede sabihan ng sikreto...maarte talaga ako sa kaibigan,,,sabi ko nga...aanhin ko ang madami...kung iilan lang naman ang totoo...
Masyado na ata ako malungkot ngayong nakalipas na month..kung ano ano kasi naiiisip ko e.tapos diba parang may pattern sakin na pag sobrang saya...bukas sobrang lungkot...parang ayoko na tuloy magpakasaya para steady lang ako,.hnd masaya hnd malungkot...(baliw ba)gsto ko na mag pa psychiatrist...
ganito pala magiging imapact sakin ng pag-alis sa school...nung una...nayayamot ako sa mga o.a. na taong super iyak dahil magkakahiwalay na...isa ata ako sa mga hindi umiyak nung graduation...ayan 2loy...ngayon...hnd ako makaalis sa pesteng sitwasyon ko.normal lang daw toh...e bkt antagal?!
Tuesday, October 16, 2007,3:34 PM
im hurting
youch that hurts...i dunno if i am making the right decision or i am just making a big notch to my feelings. …I feel so upset…It’s like I want to hurt somebody right now!
I am not as happy as I used to be. I feel so alone.
Monday, October 15, 2007,10:02 PM
sembreak
wow..kakasimula palang ng sembreak pero parang naubusan nako ng gagawin..ayoko din namang pumasok ksi panibagong kalbaryo nanaman at matinding puyatan nanaman..Masarap gumawa ng wala...pero nakakabagot din MINSAN...hehe..Teka,,,dahil sa sinabi ko naalala ko si Bob Ong...Kakabasa ko lang nung 6th book nya..pinahiram sakin ng kapatid ko..nung una na-intriga ako sa title na Mac Arthur...bakit kaya un?hmm...baka mga lokong stories tungkol sa mga tao nung panahon ng pagsakop ng kano?hmmm...e kung basahin ko kaya...usually umaabot ako ng 1 week para matapos ang 1 libro,1 month pag hindi ko type pero kelangan,at forever pag ayoko talaga ung libro...pero dahil may kakaibang banat sakin tong mga libro ni bob ong...wala pang 1 hr. tapos ko na...para kasi syang drugs e...nakakaadik...yun naman un e!pero hnd ako drug addict a!sa drugs ko lang talaga sya napagdiskitahang i-compare...may nagtanong nga sakin kung bakit un yung title pero di ko sinabi sa kanya...para naman me thrill pag binabasa,,,chaka para bumili sya ng libro!wahaha!ang masasabi ko lang e sobrang iba sya sa ibang Bob Ong books,,iba yung approach...sobrang lakas!hehe...ayan para nanaman akong naka MaryJane...
speaking of MArijuana..punta tayo sa yosi...sa tapat ng ust gate along espana...madaming nagyoyosi,,,,pinaka madami cguro dun sa tapat ng gate malapit sa beato kung saan nandon ang arki at CFAD...sa palagay ko...ang college namen ang pinaka malakas humithit ng sigarilyo,,talaga naman,,,parang tambucho e!..knowing me,,,ayoko ng usok,,,sobra!kainis!!pero sa araw-araw na pagdaan ko dun sa mga naninigarilyo...parang unti-unti ko nang hnd sila pinapansin...sobrang normal nalang sakin,,,yung usok...dedma nalang ako...
one time may nakita akong sigarilyo dun sa kwarto ng kuya ko...grr..parang me demonyong nagsabing i-try ko since ako lang naman nandun...hawak ko na yung stick...nasa kamay ko na ung lighter,,,kelangan ko nalang sindihan.....para akong sinapian na ewan,,,tapos after a couple of minutes napaisip ako...bakit ko hawak to?!anong ggwin ko dito?!tapos nun,,,nagmadali ako isoli ung stick dun sa loob...sinabi ko sa sarili ko na pag nag try ako kahit once...baka hindi na ako makalabas sa gulong pinasukan ko.,..OMG...hanggang ngayon iniisip ko padin ung moment na hinawakan ko ung demonyong sigarilyo naun...alam ko un ang wawasak sa buhay ko...(ang kerni pero totoo toh...scary nga e..ksi parang sobrang random...out of nowhere parang gsto ko manigarilyo)what?!ayaw!ayaw! sobrang napadasal tuloy ako ng di-oras...sobrang ayoko talaga...hnd ko nman sinasabing masama lahat ng mga nagssmoke...pero gets,,,it's still a bad habit na ayoko makasanayan...gusto ko pag may problema ako...isosolve ko o kaya naman makikipag-usap ako sa friends ko at hindi tatakbo sa inuman o magyoyosi para makalimutan yung problema...aun lang naman...
Saturday, October 6, 2007,2:19 AM
desperate
Yesterday…(since it’s officially past 12 am) Me and Audi were listening to Disney songs..and it just so happened that The Land Before Time movie crossed my mind,,,(though it’s not Disney…is it?)
It’s one of my favorite movies when I was a kid,,,I saw that movie a bunch of times that’s why until now I can still remember the characters and all…
I also love the song “If we hold on together” which by the way makes me cry every time I attempt to sing it…wahaha!! Screw it! I’m being mushy again!
Childhood memories…the best! It’s so nice to reminisce the good times…
Ok…enough of that reminiscing …I’m sure you’ve heard of the racial slur made by Teri Hatcher against Philippine medical schools…If you haven’t…Then you must have been from outer space...
I don’t know what to say…I am a fan of Desperate Housewives but not of Teri Hatcher…From the start, I already didn’t like her character…(ok mejo napapalayo tayo…) here’s my opinion…pwede nilang siraan ang Pilipinas sa buong mundo...sa lahat ng palabas …kung gusto pa nila lahat ng Hollywood personalities magsabi ng insulto sa Pilipinas e…at the end of the day…tayo padin ang makakapagpatunay na hindi tayo pipichuging bansa na walang kakayanang magproduce ng mga magaling na doctor or kung ano man yan,,,(bow..)ay teka pahabol,,,matakot sila kung maglayasan mga Filipino Doctors and nurses sa US…bahala sila…mamatay na lang sila…hehehe,,,kay teri hatcher….hamunin nyo nga yan ng on the spot operation…o baka naman gusto nyang ako mag opera sa kanya,,,just tell me i-cucutter ko bituka nyan at ggmitan ko ng t square para pantay,,,ppgawa pa ko sa Recto ng punyemas na Diplomang hinahanap nya…
But still…Desperate Housewives would remain one of my favorite tv show…wag nalang isali si susan mayer!hmp! asar tlga ako sa character n un…si bree lang gusto ko chaka si linette
Labels: desperate housewives, if we hold on, land before time
Wednesday, October 3, 2007,9:37 PM
multi tasking
I am a bit haggard...ugh...i mean very...this has been a shitty week for me since I have A LOT of things to do. Tons of plates to finish, documents to process, and so many people I'm suppose to ask for signature.
I am also a bit ashamed of myself because I keep on dragging my friends to accompany me to my personal business..I feel so stupid for not making things on my own, it's pretty embarrassing that at my age, I still have to ask other people to do me favors.
I mentioned before that I lost my ID and one thing I realize is this...You'll never realize the worth of something unless you lose it ..(nalunod ba kau sa dami ng word na realize?)... I know it sounds cliché but I realize...it's somehow true..Now I know that requesting for a new ID is like going through HELL,,,next time,,,I'm gonna guard my ID with my life,,,no kidding..I don't wanna ever...EVER go through that hellish procedure again...I've cut several subjects just to process that shit! Although I enjoyed staying at the Tan Yan Kee Bldg. because it feels so Christmas inside..They always play christmas songs and when you let your eyes wander,,,you'll see nothing but white...hihi!
Today is also the last day nga pala of our PE...I'm quite sad because I'll seldom see my acquaintances from PE or worst Im not going to see them at all...Our bldg, is quite far from other bldgs...so there is a very little chance of me seeing them or them seeing me...Another thing, I still dunno what PE I am going to get for the next sem,, but one thing's for sure...I don't want a PE that involves running...particularly...running the entire circumference of the grand stand(trying hard to be good at math!)..Just the mere thought of it makes me wanna die right now!
That's it for now, I still have to work on my English thing......"The damn greatest of all subjects "