BlogYYY
Tuesday, February 19, 2008,5:45 PM
umuwi ako ng maaga kahit na dapt 4 pa ako umuwi...gsto ko sana gawin ung design ko...kumpleto na ko sa materials....ang kulang nalang e lakas at inspirasyon....
hay....wala pa pumapasok sa utak ko e...pero kagabi nakapag plano na ako pero hindi pa ako msaya sa mga naisip ko...parang may kulang kasi e,,,hay...UY! 9 nalang pala at meron na akong 100 posts....yehey....pang 91 ko na e...(labo...nasundan mo naman ba ung shifting ng topic ko?)o iyon...balik tau...maaga ako umuwi kasi....wala namn magawa sa ust...arki week kaya... sobrang BORRRRiiiiNNGGG.....wala kasi ginagawa...actually kasalanan ko din nmn kasi may activities nmn tlaga...un nga lang hindi ako sumasali...pero sumali naman ako at ung 2 ko pang friends sa TILE MOSAIC contest...aba...feel ko masaya toh!hahaha!!magbabasag kami ng tiles!!hehehe!!...ako ung taga basag....
hay......natatakot ako kasi hanggang ngayonn wla parin ako sa mood para mag sipag....ayoko mag todo cramming...nako...baka magbali-baliko ung mga linya ko....hay...bakit ba kasi tamad ako???????antgal ko na tinatanong yan pero walang may lakas ng loob sumagot sakin...
Nabasa ko ung post ni joan uy about Vday(yek...vday daw...valentines day na nga lang)at mukang masaya sa kanila kasi lahat ng girls nabigyan ng flower,,yikee!!
sa college lang tlaga maffeel ang valentines e...sa high school lalo na sa all girls school bale wala lang e...haha!!!
oh well...basta masaya lahat, ok na ...nafeel mo man o hindi ang valentines ,mahalaga e alam mong mahal mo sarili mo!!hahaha!!pag hindi mo pa ba naman minahal sarili mo e ewan ko nalang...suicide ka nalang...joke lang...baka seryosohin...mga ateHHHhhh at mga KOyaaHH...ok lang yan mahal ka nun!!hahahahahahahahahahahahahahhahaha!!!!
halata bang mejo hyper ako??nako naman.....masama talaga epekto sakin ng tulog e...nasisira ulo ko...dapt talaga lowbat ako palagi.....
dami ko kinain kanina...nag tokyo tokyo ako...nag new york fries and dips...nag dulcinea na churos chaka cream puffs...haha!!ayos lang yan...
o sya...kelangan ko na pilitin sarili ko gumawa...kung hindi...lagot na....patapon na ko sa imburnal...ay teka...ay wag nalng...baka humaba pa e...(ang ano nya,,,,)hahaha!!!
Sunday, February 17, 2008,3:10 PM
dahil malapit na matapos ang sy 2007-2008...masaya akong binabalikan ung panahong hindi pa ako college...
binasa ko ung mga blog entries ko dati...at syempre...halata namang takot na takot ako dati..hahaha!!pero ngayon mukang hindi na..
ang saya kasi, sa mailking panahon nagbago ako...ung pananaw ko(views sa english para sa mambabasa kong hindi masyado magets ang tagalog ko.)ung ugali ko,at yung tingin ko sa ibang tao...masasabi ko namang bumait ako kahit papano...kaso mejo mukang namumulaklak ung bibig ko sa kamumura...hay....ayoko na...Pero feel ko ako pa din to e...(malamang...alangan namang maging si angel locsin ako)mejo mas ano nga lang...ay basta...may bago pero ako pa din ung cute na mayabang,laitera,siraulo,sinungaling,bully na si riezel....may added features nga lang ngayon...bahala na kayo makapansin kung meron man o sa tingin nyo bulok padin ako...oh well....MAS BULOK KA!ahahahaha!! nang away eh...
hmmm....dati naaalala ko takot ako sa lalaki...ngayon mas kasundo ko pala sila kaysa sa mga babae....one of the boys na ata ako??yek!!!ano ba yang sinasabi ko??!!!ah basta...gets mo naman diba....hindi kasi ako makikay na babae e...yung halos 3 oras sa pagtapal ng kolorete sa muka...hindi ako ganun e...maganda na kasi ako kahit walang ilagay...yun naman un e!!ayun lang...
excited na ko magbakasyon...,mag 2nd yr....para makita ko naman sa mga bagong 1st years kung ano ichura ko noon...hahaha!!!masaya un!!!
Saturday, February 16, 2008,10:24 PM
favorite ko na talaga ang the beatles!!! ay nako....nagsisisi ako kung bakit ngayon ko lang sila na appreciate...hay....
super cute ng rocky raccoon!!!hahaha!!!suggestion lang sakin un ni clara kasi palagi ko kinakanta ung hey jude(siguro naririndi na sya..hehehe..)hindi ko favorite ung hey jude pero ang sarap lang nya kantahin palagi e,,,minsan hindi ko namamalayan na kinakanta ko na pala..
.nanananananana....ang saya....feel ko umupo lang tapos tumingin kung san tapos ang sarap sa pakiramdam ng hangin....ay....mapapa
nananananananana... ka talaga....kahit nga nagpapaint ako un ung kinakanta ko kasi naaaliw ako...para bang walng pressure na kelangan ko matapos ung ginagawa ko...pero hindi mo namamalayan tapos ka na pala...uy!
super saya para sakin ng kantang i am the walrus kasi super labo ng kantang yun...wla syang sense sobra...pro dahil may word na eggman...natuwa ako...kasi na-imagine ko ngang may eggman!!!ang ganda...ang ganda!!!
i will >>>syempre eto may sense na...eto pag kinikilig...haha!!!ay nako makalaglag panty talaga toh....
ay nako...the beatles na ko forever...nakalimutan ko na si mariah...si alicia...si ne-yo si eklavoo...the beatles na ko!!!!!!!!!wahhhh!!!!
laptop laptop!!!haha!!labo!!!
Sunday, February 10, 2008,12:05 PM
ginagawa ko ngayon yung humanities group project namen na mag produce ng album...pipili kami ng tracks na dapat/hindi dapat pakinggan ng generation namen...hehe...akala mo madali pero hindi...kasi kahit na part ka ng generation na to...hindi mo talaga makikilala ng buo ang pagkatao ng lahat...
assigned ako sa the passenger by iggy pop...hmmm...saka ko na ilalagay yung palagay ko sa kantang to...dahil sa totoo lang hindi ko pa masyado npapakinggan to,,,mga 4 times palang....siguro dapat 20 times ko to pakinggan....hahaha!!kelangan ko mag concentrate ng mabuti sa kantang to para naman makatulong ako sa project namen..
ung 2nd music ko e ung moonlight sonata ni beethoven....mejo madali to para sakin kasi matagal ko na to napapakinggan....at sana mapaliwanag ko sya ng mabuti...
Dahil nga pala sa project na to nagustuhan ko ang The Beatles...sobrang dati ko pa sila napapakinggan pero wala lang sila sakin...pero ngayon sobrang nagagandahan na ko sa kanta nila..here there and everywhere ang 1st favorite ko...sunnod yung in my life....hay....mga 100 times ko na sya pinapakinggan...non stop...sarap sa tenga e....hay....may naiimagine kasi ako e...hahaha!!!!ngayon naiintindihan ko na ang daddy ko na fan ng beatles....dahil sobrang walang reason para ayawan mo sila...(ok ang OA ko na)pero sobrang gsto ko talaga sila...OMG!!!naiinlove ako sa music nila.....hay....
Thursday, February 7, 2008,2:02 PM
parang wala akong pasok ngayon kahit na nandito ako sa ust...haha.sandali lang kami nag theo tapos may physical check up kame,,,haha!!oo late na para mag physical exam ksi diba medyo patapos na amg school year...anyway...at least kahit ppno nakatakas kame sa mga subjects namen...nag drug test din kame at buti nalang naihi agad ako kasi kelangan ng urine sample...dapat puno ung bote sabi ni ate medtech...(whatta name)pero sakin,.,.sobra pa!!!!
ayun sa awa ng Diyos asintado naman ako sa pagshoot ng wiwi ko sa bote,,,hahahA!!(TAMA BANG idetalye pa?!) kahapon nga pla ash wednesday...may mass sa avr kaso hindi na ako umabot...pero nalagyan nmn ako ng ash sa noo...pero nag meat ako....oh no talaga......andito ako ngayon sa comp shop malapit sa ust...lately napapadalas nako sa pagcocomputer shop pag wla ako magawa pag break time...bblik pa ko mmya sa health service kasi magpppasta ako ng ngipin...hehehe...un lang..
Saturday, February 2, 2008,1:54 PM
nasubmit ko na nga pla ung Humanities paper ko...at sobrang saya ko kasi naka 98 ako at binasa ng prof ko ung gawa ko sa class...hindi nako magpapakahumble pa...kasi ayoko maging impokrita,,,oo gusto ko sumigaw nung time na un sa sobrang tuwa ksi sobrang daming effort,pera,oras ang binuhos ko dun sa paper na un, pero ayos lang kasi Humanities ang isa sa mga subject na gusto ko...na kahit medyo matagal pa ang deadline e excited na ko gawin ung mga project.pumunta ako nun sa megamall at intramuros para hanapin ang painting na gusto ko.nag internet,nag libarary,at nag internet sa isang comp. shop para makahanap ng info..ginawa ko lahat yun nung week ng prelims,,,kung san...dapat umuuwi nalang ako ng maaga para mag-aral...pero sulit lahat un.........hay...
isa pa pala...masaya ako sa pagpunta ko sa intramuros...nung bata ako...madalas dun ang field trip...syempre bored na bored ako kasi hindi ko naman naiintindihan ung mga yun....pero etong 3rd time ko...sobrang nagandahan ako...pumunta din kami sa isang furniture shop dun...wow grabe...daming magandang furnitures...meron isa dung recliner...omg!! ang ergo sobra...sa tingin palang alam mo na masarap sya sa likod...hay...tapos meron dung table na parang kay judy abbot...hehehe...ang cute!!hindi mo sya makkta sa mall...kung meron man,,,hindi maganda ung kahoy....may dining set din dun na kakaiba...at sobrang gsuto ko na sya iuwi nung time na un...
so kung nakapunta na kayo nung bata pa kau sa intramuros,puntahan nyo ulit...sobrang dami nyong namiss...pero kung di mo padin makita..ay bulag ka...
,1:28 PM
asan na ang social life ko?grabe..kaya gustung-gusto ko na magbakasyon kasi nga gusto ko na mag relax.excited na ko makita ang mga dapat makita..ang sama kasi sa feeling kapag may nirereject kang mga invitation...lately kasi parang lahat ng text ko nakalagay...."di ako pwede e...busy"anyway
madami ako naririnig,nababasa tungkol sa paglipat nila sa ibang university....parang naisip ko din na gusto ko lumipat,pero ayoko din.wala naman akong plano kasi obviously hindi naman ako kumikilos para lumipat...nasip ko lang naman...ano kaya ang buhay meron ako kung sa UP nalang ako mag-aaral...ang saya siguro nun kasi UP un syempre..ano pa bang paliwanag na gsto mo?tapos maganda din dun kasi mas malapit naman sya di hamak compared to ust...sabi nila(cnong sila?baka naman sabi ko?)ok...sabi ko...hindi ko nmn maiisip to kung masaya ako sa ust...fyi...ay mali...fmi...(*my) masaya ako noh! un nga lang hindi ko mapigilan ung utak ko na magover da bakod at mag-isip kung anong buhay ang meron sa UP...kaya ko kaya dun?sobrang intelektwal ba ng mga tao dun na halos di mo na makausap ng mga wlang katuturan at walang scientific basis??hay..........at syempre laking tuwa siguro ng magulang ko kung UP ako kasi ang laking bawas nun!!hahahaha!!!ayun lang...gsto ko nga sana tanungin si gumi(kablock ko na lilipat sa UP)kung ano requirements...hay,,,UP...bakit kasi sa hindi sa simula palang tinanggap nyo nako...hahaha!!!mali ata pinagtanungan ko ah...bakit kasi hindi ko ginalingan para UP agad ako..hay...oh well...feel ko di naman talaga ako lilipat e..inggit lang siguro toh kasi UP nga un...masaya naman kasi buhay ko sa UST...un nga lang napaka swerte ko kasi lagi ako nakaka upo sa mga bubble gum na nginuya!anak ng teteng oh!!bakit ba kasi ang hilig magpahid sa upuan!!pag nakita ko gumawa nun papalunok ko sa kanya un!
Masaya ako ngayon kasi feel ko sa UST talaga ako bagay...hindi sobrang talino pero sobrang hindi naman bobo...ay nako...ano ba tong post ko ang labo...
meron nga pala akong collage na sinisimulan sa kwarto ko...ung mga pictures ko,ng friends,family,pets, noon chaka ngayon...ididikit ko sa cork board...hahaha!!wla nanaman ako magawa sa buhay.
malapit nadin nga pala ang ARKI WEEK...at ambakla ng theme namen...DISNEY!hahaha!!ok lang at least meron kaming float!!ung iba wla!!
malapit na pala ako mag 18 no?wla padin akong plano e...pero sigurado walang party...haha!!
excited na ko sa bakasyon!!magpapagupit nako!!sa bakasyon ako magppgupit kasi mag eexperiment ako sa buhok ko...so kung pangit ang kalalabasan...ayos lang kasi wlang ung mga baliw kong blockmates na pagppyestahan ako ng tawa....gawain ko kasi un e....ang pagtawanan ang mga gagong tabas...este bagong tabas ng buhok...