BlogYYY
Saturday, May 19, 2007,7:10 PM
dreams
I’m starving!!!Darn it!! I need to shed some pounds because my favorite pants won’t fit me..I envy people who don’t even have to sweat just to stay fit. I remember a time during our retreat, Nepo was eating a mountain of rice and yet she never gained weight. How on earth did that happen? Grr…I hate hormonal imbalance..yeah I got those !That’s why my weight is uncontrollable and my menstrual period is just darn unpredictable (brinoadcast..)Oh watta life..*sigh* I’m not eating supper and maybe I’ll have water instead…haha..yummy!
I’ve read Janine’s blog and she has this list of things she would want to do before she reaches 24…(correct me if I’m wrong)
And I enjoyed reading it and made me wonder what are my plans after college..
Actually, my friends already planned to go abroad once we are already earning heaps of money..haha!
I also plan to build my dream house…I have already structured my dream house on my mind, particularly my bedroom. From my round bed up to my glass-covered ceiling .It gives me the thrill every time I think of it.
I would also like to adopt children just like what Angelina and Brad Pitt are doing, and we’ll all travel around the …Philippines…joke…around the world nman…or Europe nalang..*kapal ng face mode*
Hay…as of now..I still have to work my ass off before I can fulfill all my dreams…
Labels: abroad, dreams, friends
Thursday, May 3, 2007,2:36 AM
cAtherine
hay,gabi na pero hindi ako pinapatulog nitong nsa utak ko.bumangon pako para lang magblog...syempre sinabayan ko na din ng YM..
Eto ggmitin ko ang mahiwagang salita...''miss ko na'' mga tao sa school...specifically catherine..
never pumasok sa isip ko na magugustuhan ko ang section kong un, mga reason bakit ayoko:
1.Pangit ng name...catherine...ayaw..gsuto ko talaga frances or irene
2.Ang mga tao hnd ko masyado gusto...Hindi ko pa kilala ung karamihan,,,ung iba kilala ko pero hallooww!!! naging huli ko silang classmate nung prep..kumusta nmn un??
3.1st week may nakabangga na agad ako...si jenny..hnd literal n bangga...sa pila kasi un sa UP eklavoo.na inaayos na papers.hnd ko sya pinasingit and all...aun...away...hnd sabunutan... pero may tension sa aming 2...kahit na classmates kami,,hnd kami pansinan talaga...hangin lang kami sa isat-isa minsan kahit hangin nga hndi e...ayun plus hnd ko gusto ung attitude nyang sobrang lakas mag burp...i mean...what's with you??before...i see jenny just like any other attention seekers sa school.so annoying and not worth the fuss..
4.Talamak ang backstabbing...its not like hnd ako nambbackstab..lahat ng tao nambbackstab,wag kang impokrita.
PEro nung tumagal,,na enjoy ko sila kasama..i mean...ung iba,hindi ko talaga makuha ang trip nila pero generally masaya sila kasama.Kahit palagi kaming talo sa mga contest,e ano ngayon...trophy ba ang basehan ng pagkapanalo?Mababaw..kumpara sa tunay na premyo ng closeness naming magkakaklase...
Tungkol sa backstabbing..hnd nawala syempre..i just learned to deal with it.walang taong ligtas sa mga bibig ng mga backstabber...kung paano ko na-deal?sikretong malupit...joke!eto lang yan...kung hnd pwede mawala sa mundo ang backstabban e di sumali ka nalang...So happy together...its not naman like mamamatay ka pag may nagsalita sa likod mo..Backstabbing has become a normal 'routine' na din sa classroom namin..walang iiyak pag ikaw ang napag initan...panapanahon lang yan e..patibayan..kung mahina ka...iyak ka nalang..LOSER!!!
Yung kay jenny..naging close din naman kame after that petty fight we had...its actually very childish kasi ang pinag ugatan e 'ayaw pasingitin sa pila'..we had a chance to talk about it(not really,,,parang sandaling topic lang)...at syempre nag open up kami sa mga 1st impressions nmn sa isat-isa..Ayaw nya sakin ayoko din sa kanya NOON...dahil nga dun sa pila na un...tapos sinabi ko din dati na it annoys me pag nagbuburp sya ng sobrang lakas...ayun...after nun..tinawanan nalang namin un..everything's settled..She's actually a very nice person who's just misunderstood by many...pero if you'll really get to know her...you'll feel so blessed...laugh trip talaga...
omg!!umaga na!!baboo!
Labels: catherine, friends, jenny
Wednesday, May 2, 2007,2:18 PM
Slacker
Tatlong araw na din akong slacker dito sa bahay namin.hindi ko masasabing walang kwenta tong ginagawa ko..hehe..Gumagawa ako ng wala(uy!bob ong ulit!sang libro un?alamat ng gubat page....ewan...)Kasi madami din naman akong naiisip at narealize.Minsan yata kelangan talaga ng tao tumigil sandali sa mga ginagawa nila at mag isip-isip.Eto ang mga naisip ko nung wala akong magawa..
1.Nood ako ng PBB,madami nagsasabi na walang kwenta yung palabas na yun...hmm...ang
masasabi ko,,hindi rin,,,Bakit?Ganito yan..alam nyo naman siguro yung tungkol kay
maricris...Pero sa mga taong hindi alam,,na-force evict sya kasi may ginawa syang against sa
rules...ung violence eklavoo nga daw...kahit hindi nya ginawa at sinabi lang nya e ganun padin
daw un...chaka hindi daw marunong mag handle ng galit itong si cris...which i think is
true.Antagal ko ng napapansin na palagi syang asar,irita,galit,bwisit..Wala kang ibang maririnig
sa kanya kundi ang pagka aburido nya sa ibang housemates.Yung negative vibes tuloy nya
naipapasa nya sa mga nanonood...parang sumasama tuloy pakiramdam ko pag nakikita ko sya...Ampangit sa tv na palaging ganun..So sobrang tuwa ko talaga na nung nalaman kong mapapalayas sya.hindi ko sya maintindihan,hindi ko sya gusto kaya mabuting umalis sya.Pero sa bandang huli,naisip ko...........Gaano mo man ka ayaw ang isang tao,meron at meron pa ding bagay na maganda sa taong yun.Walang ginawa ang Diyos na totally masama at hateful na tao.Si maricris ayoko sa pagka iritable nya pero meron isang bagay na maganda sa kanya,hindi nga lang ganun ka obvious kasi nga natatabunan ng pagka masungit nya..so natutunan ko na lahat ng tao ay mabuti.kelangan mo lang alisin ang focus mo sa mga ugali nyang hindi maganda.dapat bigyan mo din ng pansin,kahit gano kaliit ung mga mabuti sa taong yun.Siguradong meron ant meron kang makikita.
2.Eto hindi ko napanood,naisip ko lang sa sarili ko.May mga taong hindi talaga pala-iyak,pero hindi ibig sabihin hindi sila nalulungkot..siguro nga walang luha sa mata...e sa puso kaya?Naiintindihan ko ng mabuti ung mga taong ganun...kasi ganun ako..Minsan mas gusto ko na lang ngumiti kasi mas madali yun kaysa mag explain sa mga tao kung bakit ka malungkot..Hassle naman kung iyak ka ng iyak...chaka hindi ko pinipigilang umiyak...meron talagang mga tao kamuka ko na pag nalulungkot,imbis na umiyak e tatawa nalang...iba-iba tayo ng paraan ng pag-grieve...o mayged!!praning na ako.haha!!pero yang tawa nayan,masaya yan ha..hindi naman ako malungkot ngayon pero gusto ko lang ipaliwang kung paano gumagana ang utak ng mga taong kapareho ko.nakakaasar kasi(nyay!maricris is dat u?!)may mga taong pilit ng pilit na umiyak kalang at ilabas ung lungkot!!Duh!!hindi lang naman mata ang outlet ng lungkot ah!!!pwede sa ilong!sa bibig!sa pwet!!kahit san!!Mali kasi sa tao na luha lang ang ginagawang basehan ng kalungkutan!!mali!mali!ah...talagang suicide ka nalang..
3.May mga friendship talagang hindi pang forever,masasabi kong madami akong naging friendship na naging ganun..wala...walang away,pero hindi talaga sya forever thingy..ang dami ko talaga naging ganyan,,,na umabot sa point na sinabi kong ayoko n ng friendship na nag eexpire after a year!crap! para talaga akong sumabit nun..ayokong bumitaw kahit na binitawan nya na ako.pero mukang hindi talaga para sakin ung friendship na yun kasi...gaya ng iba kong --ship eh nauwi din sa wala.natutunan ko na ang frienship gaya ng lahat ng uri ng --ship e two way yan...hindi pwedeng isa lang ang may gusto kumapit,hindi pwedeng isa lang ang kumikilos..Napagod ako.binitawan ko na din sya,ayun laglag!haha!!masakit kasi nauna syang bumitaw e.masakit pa ito sa syota mong inayawan ka...dahil ang syota...alam mong pwedeng hindi forever ang relasyon pero ang friendship??come on!!madali makahanap ng syota pero kaibigan na hindi ka ilalaglag...mahirap...ayun...dumaan din ako sa selos part,,kahit na sinabi ko sa sarili kong hnd ko na sya friend...syempre masakit na may iba na syang kaibigan,,,at hindi ka isa sa mga un...hay...so much with that Crappy sad feeling...Maswerte ako dahil sa wakas!sa wakas!mukang nakahanap na ako ng mga kaibigang wlang expiration date!may nagsabi sakin na palagi daw ako nagbabawas ng kaibigan,,,ang sabi ko naman...wala sakin un,,,aanhin ko ang marami, kung iilan lang sa kanila ang tunay kong kaibigan.yang mga textmate ko..alam ko hindi yan mga taong panghabambuhay na kaibigan....so ano ngayon sakin kung alisin ko sila sa buhay ko??e ang mga tunay kong kaibigan..hndi ko man itxt ng 1 milyong taon alam kong hindi nila ako nkklimutan...hindi nila kelangan sabihing i miss u..dahil alam ko mahal nila ako,hindi man nila sabihin..Sobrang laki ng pasalamat ko sa Diyos kasi sa wakas nakakita na ako ng mga taong totoo sakin,mahal ako sa kung ano ako at hindi dahil sa kung anong image ang ginawa ko sa mata nila.Sa kanila ako nagiging 'ako'...Masaya ako kasi nahanap ko sila
Lara,
Angela,
Joan sa buhay ko..mga taong sinasabi nilang masyadong matalino para sakin.at mga walang panahon para sa sarili nila...hindi nila alam na sa kanila ko nalamang matalino din ako.(wohoo!!)totoo yun..akala nila ako palagi nagpapatawa sa kanila pero sa totoo lang kulang p un sa ginawa nila sakin...ginawa nila akong 'tao'(hindi po ako unggoy dati)
hay ,,,ayan ang mga narealize,,naisip,,,,mga pumasok sa utak ng buhay slacker...
Labels: friends, pbb
Thursday, April 19, 2007,8:23 PM
Cottonton
Tinext ako kanina ni michelle ng belated happy birthday kasi nasa US daw sya kaya
doon ay april 18 plng..haha..so iyon namiss ko si michelle bigla kasi nabanggit nya sa
text yung riezel cat in the chimney na dapat eh....riezel cat in the canal...nakalimutan
na nya at nag-imbento pa sya..haha...si michelle ang aking first ever friend sa
st.scho.malupit yang batang yan kasi napaka bully.oo michelle!BULLY KA!!!!!!! wag mo na
itanggi dahil ginawa mo kong carbon copy mo!!kasalanan mo kung bakit ako
kinatatakutan ng ibang tao..kala nila bully ako..(ang tapang ko kasi hindi naman
nagbabasa ng blog ko si michelle..hehe..wag nyo ko isumbong ha) Ayun...balik tayo sa
kwentong sya ang una kong kaibigan sa skul.pano nangyari?ganito yun...ako'y
kasalukuyan noong badtrip at malungkot dahil iniwan ako ni mommy sa school.1st day
yun tapos hinatid lang ako sa school.ang gusto ko bantayan nya ko sa labas hanggang
sa matapos ang class...ayun nilayasan ako.uwian na nun.kaservice ko si michelle at
tumabi sya sakin kasama nya si ate lita yata un...basta...ayun kinakausap sya ni ate lita
tapos sabi"tignan mo sya o,wala ng kasama,ikaw nagppsama k p skn" haha narinig ko
un....feel ko ang galing ko.ayon tapos inalok ako ni michelle ng hotdog gamit ang fork
na hindi mo malaman kung dwende ba ang may ari o laruan lang un...at dun nag umpisa
ang aming maligayang pagsasama...ng dahil sa hotdog..bow..pang mmk ko ang storya
namin diba? nung tumagal lagi na kame magkasama,sa kalokohan,sa bugbugan...oo
bugbugan..madame na kameng napaalis na kondktor dhil binubugbog namen
sila,sinasabunutan hanggang sa hindi na nila makayanan ang buhay impyerno kasama ng
dalawang demonyitang bata...BWAHAHA! kmi ang reyna sa service nmn.ang front seat
sa amin....hahah!!kala mo naman concert e...basta...pero nagalit nako jan kay michelle
dati ksi isa syang taksil!hahah...kasi meron kaming dalawang kaservice na grade 2 noon
habang kami nmn ay prep...syempre riot ito,,,hnd kame magkasundo...knowing
me....napaka pintasera ko...sinabi ko kay michelle na si ate---- ay mukang bakulaw at si
ate---- naman ay mukang chanak...syempre tiwala ako nun kay michelle kaya sa kanya
ko binulong tapos biglang kinabukasan e sinugod ako ng dlawa.."ano ung sinabi ni
michelle na sinabihan mo kaming bakulaw chaka chanak?!" sabi ko"aei....." nako naman
si michelle!!!!nilaglag ako...ayan jan nagsimula ang madugong bakbakan namin ng mga
bakulaw at chanak nyan...pinapili p nga si michelle kung kanino kkmpi e....xempre
sakin!!!!sapakin ko yan...haha...mahilig din kame dati ni michele sa code names...hehe,,,si
ate clang...oops hehe...bahala na...tawag namen sa kanya duck as in "panduck" hehe liit
kasi e...tapos si ate ina...oops..."nanay" ang corny namen noh?at dahil sa napakatalino
naming code names e nabuking nilang sila un sa loob ng isang minuto....kala kasi namen
porket may code name na kami hnd n nmn kelangan magbulungan kaya ganito ang
eksena "alam mo si duck ang pandak!!hahaha,si ina halimaw!" ayon patay kami...ginawan
din kame ng code name pra yamutin kame..ayun..umabot ang war nayon hanggang 4th yr
sila....hahaha..ang saya-saya! meron din kaming club ni michelle sa service at yun ang
COTTONTON....bakit ganun ang name?kasi ung bulaklak inenglish namin bulak=cotton
tapos ang last syllble diba ng ung lak inulit lang kaya cottonton...labo...hirap iexplain
basta nagets mo nmn dba? hehe hanggang sa dumami na ang aming Cottonton at
napalitan na ng mga hayop...hehe syempre me ulit ang pasimuno...Dang aka dangkey in
da desert,michelle aka pig in da pigpen,jeselyn aka tiger in da zoo,riezel aka cat in da
canal.puro kalokohan ang service namen,madami na kaming nabugbog na
kondktor,,,lahat ng driver kavibes namen!!miss yah kuya Cami....Camillo aka camel in da
desert..si kuya mel na ttanga tangang sumira ng bag ko...si nardo aka nardong putik na
talaga namang napuruhan samin kaya kinausap kami ni mami ching(may ari ng service na
mami nmng lahat) kasi sinumbong kami...may pasa daw kasi
tinajakan,sinabunutan,hinampas,kinurot,at kinalmot namin xa..secret ma malupet na
namen kung bakit namin ginawa un....diba DANG!hehe...ganun kami kasaya at ganun din
ang pagkalungkot ko nung nagkahiwahiwalay na kame...hehe...pero close pdn nmn
kame...SOLID toh...hehe..
Labels: cottonton, friends, servicemates
Sunday, April 15, 2007,9:12 PM
im bad im sad
masama pakiramdam ko hindi dahil sa may sakit ako kundi pinapatay nako ng kosyensya ko.Pinipilit ko isipin na lilipas din yun pero ayaw akong patahimikin.Siguro namigay ang Diyos ng konsyensya dahil madalas sa buhay ng tao hindi nila ginagamit ang utak nila.Sa buhay kong to pinatunayan ko nanaman na masama akong tao.Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit kelangan ko manakit ng ibang tao na wala namang ipinapakitang kahit anong bahid ng kasamaan sakin.Wala akong magawa..nga ba?o pinili ko lang na walang gawin.Kahapon,sa loob ng isang araw madami akong nagawang kapalpakan.Ang dahilan?bibig kong hindi mapigilan sa pagkakasala.Wala na talagang lumabas na magandang bagay sa bibig kong to.Ayokong magpromise ng mga bagay na alam ko sa huli lalo ko lang ikakainis.sorry sa sinumang nagawan ko ng kasamaan.hindi ko ineexpect na magiging bale wala kaagad yung nangyari ang gusto ko lang ma-forgive ako ng totoo.hindi yung ssbihin na wala syang galit pero deep inside gusto nya akong saksakin o may konti paring galit.ayoko na ulit gumawa ng ganitong katangahan sa buhay ko.minsan ko na tong ginawa,madami na akong nasaktan,sana hayaan nyo akong magbago ng walang tatawa o magagalit.Masyado akong senti ngayon pero minsan kailangan kong ipakita na tao ako na nalulungkot,nagkakamali,ibang-iba sa Riezel na mukang hindi marunong malungkot.Ayokong ikahon ang sarili ko sa kung ano man ang ineexpect sakin ng mga tao na maging ako.Ayokong tumawa at magpatawa ng magpatawa habang iba naman talaga ang nasa loob ko.gustong gusto ko yung sinabi ni bob ong na
"minsan sa buhay,kelangan mo rin ng lakas para sabihing mahina ka."
Pagod na ako.Pagod na akong magkunwari na bale wala lang.suko na ko.mahina talaga ako.malayong malayo sa riezel na bully at walang taong uurungan.
Labels: friends, mistakes
Monday, April 9, 2007,3:03 PM
roller coaster
sinusulat ko plang yung title nitong post na to bumabaliktad na sikmura ko...hay nako wala akong magawa ngayong araw na 'to galing ako kanina sa sports center pero may mga "oldies" na gumagamit ng oval kaya hindi pwede mag jogging kaya ang ginawa namen,,dun kame sa paikot ng s mall nag jogging..o diba..hehe..tapos pumunta kame ni kat sa bahay ni pami na kasalukuyan nooong natutulog.syempre binulabog namen sya kase naman tanghali na hindi pa rin bumabangon,siguro kung samin xa natutulog nabuhusan na sya ng tubig.(bawal kasi matulog samin ng sobrang tagal,early risers
talaga kami.late na nga ung 8 am e)hndi nakasama samin si pami sa pagjojogging kasi nabubog ang kanyang paa...waah!!aruy!..tapos pag-uwi ko snalubong ako ni ate sa pinto...sa isip ko naman..."wow ang sweet naman ng ate ko" un pala gusto lang ako pag wax-in ng kilikili nya.hay nako ang hirap talagang maging bunso palagi nalang akong inaalila.si kuya pinapalinis ung bike chaka ung kwarto nya tapos pinapa-arrange sakin ung dvd nya alphabetically...halerr 300+ kya un...maduduling ako!!si ate naman linis dn ng kwarto tapos wax ng kilikili tapos pinapaayos sakin ung garden..take note gusto ung parang ni landscape daw!eh kung landscape-in ko kaya muka nito?!si diko naman pinapalinis sakin ung salas nmn kasi ang dami ko daw kalat..si mama naman pinapa kuskos sakin yung terrace.si daddy naman pinaglilinis ako ng kwarto ko...haaayyyy buhay...kung pwede lang pagsasapakin tong mga to e...dibale pagtanda ko makakapagutos din ako...,hay dapat yata e i-lessen ko na ang pagsasabi ng "sasapakin kita/sapak gusto mo?/sapukin kita jan eh!"kasi nung isang beses nakaupo kami ni mami sa dining area tapos pinapakuha nya ko ng tubig.tapos sabi ko "sapakin kita jan e."tapos antagal nag react ni mami..mga 10 seconds cguro bago dumating sa utak nya na sinabihan ko sya nun,..wahahaha...hnd ko nmn sinasadya e...parang naging expression ko nalang sya kahit hnd ko nmn feel n manapak..gets?parang kung si dian at lara na mahilig magsabi ng "shoot!" meron din ako "sapak!" .. teka nalalayo na tayo sa totoo kong kwento...ntatakot akong magcollege..pasensya na kung eto palagi kong sinsabi kasi naman iba talaga ang magiging buhay ko sa pasukan e..para akong nag enroll ngayon sa all boys school kasi puro lalake kaklase ko,swerte ko na kung may 10 babae sa section ko..makakasama ko sila for 5 years..sino2 kaya magiging kaibigan ko?dapat maganda impression nila sakin sa 1st day kasi mtagal tagal ko din silang papakisamahan..teka..ano bang ginagawa sa 1st day sa college??kamuka ba un sa st.scho na pag 1st day e pagsasayang ng oras ang ginagawa?may getting to know you bang mga ka-ekekan sa college?o sa unang sampa mo sa classroom e konting introduction lang pooft simula na ng lesson?hay kinakabahan talaga ako..ntatakot ako..sino kasama ko kumain?saan ako kakain?sino kakausapin ko?paano?saan?ano?nkakatae pag-iniisip ko ung mga mangyayari after summer..Labels: friends, jogging, school
Sunday, April 1, 2007,12:41 AM
jogging=slim
Nung March 27 nag start na ako mag jogging sa sports center..(hindi kasi ako pinayagan ni Mommy,ni Kuya,ni Daddy mag gym) in short pinagtulungan nila ako..hindi ko na idedetalye kung ano-ano pang sinabi nila sakin ha..Ayun sa awa ng Diyos nakahanap ako ng mga sasama sakin mag jogging,aka support group daw sabi ng chuvang magazine na nabasa ko.Mas madali daw pumayat pag na-eenjoy mo yung ginagawa mo chaka may kasama ka.Actually,hindi ko naman sila niyaya sumama sakin.Naiinis lang kasi ako magtanong at mag invite ng mga taong makitid ang utak.Dati yung pinsan ko niyaya ko sya mag jogging kasi talaga namang boring ang mag tatakbo sa oval ng sports center no!kasama mo pa puro mga uugod-ugod na mga lolo at lola.Sabi ba naman sakin.."E bakit pa?Payat na naman ako para mag-exercise.Baka lalo ako pumayat?"HALERRR!!!Dagukan ko kaya toh!!Kaya simula non wala akong niyayaya na mag jogging baka marinig ko lang ulit yung mga sinabi ng pinsan kong walang *#$@*^* Ay bwiset!!!! Eto namang sila Pami at Kat siguro hulog sila sakin ng langit.Ay thank you Lord!!Kahit hindi man sila galing sayo.Basta thank you.Kasi sila na mismo nag offer sakin na sasama din sila mag jogging araw-araw.Syempre gusto kong tumalon sa tuwa,kasi finally meron nading nakaintindi sakin.Naka 4 na beses na kame nagjojogging,araw-araw yun.Rest day namin ang Friday and Sunday.Masaya akong kasama sila kasi grabe ang dicipline nila sa sarili na talaga namang kailangan mahawaan ako.Hindi ako pwede tumigil mag jogging hangga't hindi sila tumitigil.Bawat araw nag dadagdag kami ng isang lap.Nung una ang sakit sa thighs ko kasi parang nabigla..siguro ang sabi ng mga hita ko"Ano ba 'to si Riezel!Bigla nalang tumatakbo parang 3 years na kaming hindi masyado nagagamit ah!"(scary nagsasalita yung hita ko!!)Ayun..tapos nung thursday nagjogging ako tapos nag badminton din kame for 1 hour.Syempre!Kung anong reklamo ng hita ko e ganun din sa braso ko!Grabe!pag-uwi ko ang sakit ng right kong braso.Kasi naman hindi ko nman masyado ginagalaw yun tapos eto biglang nag hahampas na kala mo matagal ng badminton player!Ang masama pa dun..nararamdaman ko na yung knkwento sakin nila Pami na nanginginig daw yung braso nila nung 1st time nila mag badminton dahil sa sobrang sakit chaka kulang daw sa stretching..Nako!!ayun nung hawak ko ung baso ko nanginginig yung kamay ko.Tapos ang masaklap pa..nung nagttoothbrush ako nanginginig yung kamay ko..parang lasing na walang control sa ginagawa!ayun!nasuntok ko ng toothbrush yung gums ko!!Ayan 3 araw na nakalipas masakit pa rin.grabe parang ang katumbas e 3 pinagpatong na singaw..Susko po talaga!Eto pa...wala ako masyado sinasabihan tungkol dito sa jogging na to nung una..ngayon bahala na!Kasi naman naiinis talaga ako pag may mga taong sadyang nilikha yata ng kampon ni satanas na mambwisit at painitin ang ulo ko.eto ung eksena nun.....chanan...kuhanan ng card nun tapos un din ung 1st day ko ng jogging...etong si *%$^#% sinalubong ako sa pintuan ng classroom..."O riezel?!bakit hindi ka pa din payat?!hahahaha!!" sa isip ko"anak ng!!sipain ko kaya 'to ng matuluyan na!tutal graduate nnman ako!" Hay nako ewan...sabihin nyo ng pikon ako pero tama ba yun?!swerte nya at masakit hita ko nun kung hindi na flying kick ko na sya!!grr!!!!salamat nalang hindi ko na sya makikita!!at kung makita ko man sya!!!hindi na nya ko mkikiklala!!maliban nalang kung sipain ko sya!!bwahahahahahah!!!!Labels: friends, jogging, pests
Saturday, March 24, 2007,10:21 PM
SUmmer na!!!CHill!!
Yehey...excited na ako mag swimming.Una swimming namen nila buading dun sa private pool ng ninong nya.Masaya kasi kami-kami lang chaka ibang friends. Tapos nun mag oovernyt kami dun sa bahay nila.Manonood kami ng dvd sa gabi.Wahaha..Magdadala nga ako ng nakakatakot.HEHE.bahala sila.Tapos mamaya ako unang matakot oh...pagtapos namin mag overnyt magjojogging kame nila Pami,Buada at si Jhileen..sasamahan nila ako para naman masaya akong mag exercise diba..Tapos isosoli nadin namin yung mga toga namen sa school chaka kukunin na yung toga.Imimeet din namin yung CATHERINE para naman i-finalize yung class outing namen.O diba!!kagagaling lang sa swimming nagpplano nanaman ng bagong swimming..Wahaha!!Ganun talaga..Walang oras na dapat sayangin.Hanggat pwede pa i-grab mo na yung chance..Kelan pa kame ulit magsasama-sama?matagal pa...KAya dapat planuhin na ng maaga ang mga bagay.SA CLUB MANILA EAST ang plano namin..Hopefully makasama ang lahat...ay...hindi pala lahat.May ibang hindi pwedeng isama.secret nalang ng class nmn yun.Balak din namen mag stay kala Jazreel after magswimming..Hay negra na ako pagtapos nito...Di bale na masaya naman e..Uso naman ang sunog..Ang pangit naman kasi nun...summer na summer ang puti puti mo..Halatang hindi nagswimming!!!wahahaha!!!!Labels: friends, school
Friday, March 23, 2007,9:10 PM
missin'

hay nako...ang bigat ng feeling ko...aside from my weight...andameng nagppbigat sa pakiramdam ko.Bukas graduation na pero parang mas malakas yung feeling ng lungkot kaysa sa saya.Ayoko umiyak bukas kasi...ayoko.Pero feeling ko malabo mangyari yun kasi ngayon pa nga lang parang gusto ko na umiyak.Grabe..hindi ko akalain na magging ganito kahirap ang pag-alis sa St.Scho.Nung kinakanta namin yung school hymn na ayaw na ayaw ko dati kantahin...e parang bumabalik sakin yung mga nangyari sakin nung unang tapak ko sa st.scho...iyak pa ako ng iyak pag nawawala sa paningin ko si mommy..Naalala ko pa nung nagtampo ako sa kanya kasi nagsinungaling sya na hindi sya aalis pero after 10 minutes bigla nalang sya nawala.Ngayon kung titignan nyo.Hindi na ako iyakin masyado.Hindi na ako kelangan bantayan sa classroom ni mommy para lang hindi ako umiyak.
Mamimiss ko na ng sobra yung school.Parang gusto ko na nga kiss-an yung mga pader eh.Pati na din ung service ko gusto ko na himas-himasin.Grabe.Nung thursday,yun yung last day ng pagsabay ko sa service,nalulungkot ako kasi maiiwan na si Ina mag-isa dun.Sana makahanap sya ng bagong servicemate na highschool.Ang sad kasi antagal ko ng nakasama yung mga tao tapos eto ngayon..kelangan na magbbye. Ang hirap iwan ng mga bagay na nakasanayan mo na. Yung parang hindi ka na halos nag-iisip ng gagawin kasi sanay ka na e.Parang ang daling sabihin na it's not goodbye. Pero sa ayaw man natin o sa gusto.Iyon at iyon ang mangyayari. Masakit mang aminin.Mag promise ka man at hiwain yang balat mo na hindi kayo magkakalimutan sadyang nangyayari talaga ang limutan sa mga tao,kahit sinasabi nyong 'sing tibay na ng bato ang pagkakaibigan nyo..Siguro yun yung nagpapalungkot sakin.Kasi kahit anong gawin kong pagsalaksak sa isip ko na hindi nila ako makakalimutan at hindi ko sila makakalimutan alam ko may posibilidad na mangyari yun.Sobrang takot ako. Ang sakit talaga na mawawala sila.Si mitch, nung tinanong ko sya kung maaalala pa kaya nya ako pag nasa Canada na siya?sabi nya,,"syempre!".Parang,hindi ako masyado naniwala.Kasi 3 years sya dun.Syempre sa una lang yung keep in touch na yan,sa katagalan magiging busy na kame sa kanya-kanya naming buhay.Palagi ko nga kinukulit si Mitch tungkol dun sa Harry Potter na libro na papadala nya sakin.Syempre joke lang yun.Pag pinadalhan nya ko ibig sabihin hindi nya ko nakalimutan.
Dati,excited ako sa bakasyon. Ngayon ayoko na ng bakasyon,kung ang ibig sabihin lang naman e hindi na kame magkikita ng mga friends ko. Etong feeling ko ngayon,parang katapusan na ng mundo.Ang sakit sa pakiramdam.Parang nilalagyan ng alcohol ung sugat ko.Labels: friends, school