BlogYYY
Tuesday, July 17, 2007,9:42 PM
misadventures
The Misadventures of Riezel Briones
Grabe!...wala ako ma say sa araw na to..ang tindi! Late ako nagising tapos puyat na puyat ako...Yung pagkain ko hindi ko naubos kasi nagmamadali ako.Tapos ang hirap humanap ng Philcoa na sasakyan,nakahanap nga ako pero ung space ng upuan ko pang langgam lang...Tapos inaatake nnman ako ng dysmenorrhea...tapos nung bandang Batasan na,,,merong lola na pilit na sumakay sa jeep tapos sumiksik sya sa tabi ko...Ay grabe!! ang laki pa nman ng balakang ni lola..naawa nmn ako kasi matanda na sya...ay jusko...lalo sumakit puson ko kasi naiipit ako ng husto.tapos nun...nasa Tandang Sora na ako...dun sa may kasuklam suklam na amoy na palengke...ay grabe!parang sinasaksak ng kutsilyo ung ilong ko e!ang sama ng amoy...may nasagasaang tae,,nabulok na bayabas na napisa(imagine!? ang baho na nga ng bayabas na hindi pa bulok...what more kung bulok un?!!),patay na daga...!!Nasiraan ung jeep na sinasakyan ko...no choice ako kundi lumipat nang hndi kinukuha yung refund ko kasi nga late na ko.
Tapos nasa Espana nako...as usual..ang mala impyernong trapik...
kaya pagdating ko sa room ko...ang baho na ng buhok ko,,amoy usok grabe...hay nako napakasaya naman talaga ng buhay oh..,.
ay nako anyway...alam mo ba...lately na depress ako...yung araw na yun,,,dapat masaya ako e...pero sobrang kabaligtaran yung nangyari...sobra...naiyak nga ako sa sobrang lungkot e..ay nako...ayoko naman isulat dito sa blog ko kung ano un kaya buti nalang nakwento ko sa mga kaibigan ko ung problema...hnd man nila ako matutulungan e,,,at least ung burden e nabawasan...masarap tlga ang feeling pag may mga tao kang mahihingahan pag sakal na sakal ka na sa mundong ginagalawan mo...ewan ko...nung nasabi ko na ung cause ng depression ko...bumalik na ulit ako sa normal...ang sarap malaman na may mga taong sasalo sayo pag binitawan ka na ng mga dating mahal mo.hehehe...oo na corny nako...wahaha
ay nako...masyado ako madame natututunan ngayong college,,hndi lang sa school pati nadin sa labas,,,,magaling na nga pala ako makipagsiksikan sa jeep...o dba...dati kasi ayoko ng masikip na sasakyan...pero ngayon..wla akong pake kung gano pa yan kasikip,,basta makarating lang ako sa school...hehe...un lang muna.
Labels: depression, lessons, misadventures