BlogYYY
Sunday, December 2, 2007,10:01 AM
hello!
kumusta naman...dec 2 na...last update ko nov 15 pa...hmm...e wala naman kasi ako magandang maikwento so ok lang..
Nafi-feel mo na ba ung lamig?kasi ako SOBRA...(e ano naman ngayon??!)
Dapat mag didivisoria ako nung friday kaso parang ayaw talaga akong papuntahin ng kapalaran....eto ang mga reasons:
1.ayaw kami samahan ni minda.wla kasi kami alam sa divi..
2.meron akong ibang balak pag gamitan ng pera
3. nagkagulo gulo na sa makati(as if...)
4.Ayaw ako payagan pumunta kasi holiday daw at lips to lips na daw kami ng ibang mga shoppers..
5.ulan ng ulan...nakakatamad magdala ng payong.
Ayan ang mga dahilan...so nagmukmok nalang ako sa bahay at natulog nang natulog nang natulog hanggang sa paggising ko e inaantok padin ako...bumabawi lang sa mga puyat ko nung weekdays...grabe talaga...sunud-sunod na puyatan ang ginawa ko...tapos ang nakakayamot pa...ung pinilit kong gawin na floor plans e hindi naman chineckan ng gago kong prof na walang ginawa kundi mag basketball..4 hrs ang design namen...1 ang start ng klase...anong petsa na wala pa ung kumag na un! 3 na sya dumating at parang pa easy easy pa!!!walang ginawa kundi magpa charming sa amen!!! nako tatadyakan ko na talaga un e!
Excited na ko sa Paskuhan sa UST...first time ko kasi e.,,,nyahaha!!pagbigyan nyo na ko...minsan lang naman ako ganito e...
iba talaga pag mag papasko na...feel ko ang gaan ng buhay...at feel ko mas mabait ako..(o feeling ko lang yun??) siguro nasanay lang ako na nagpapakabait tuwing pasko..para alam mo na....nyahaha!!!!!
Binilang ko na nga pala kung ilang days nalang bago ako mag "debut" 138 days nalang kung hindi ako nagkkamali...basta roughly ganun...
hmm....wala naman akong balak mag ala prinsesa sa bday ko...kahit noon pa..wala akong hilig sa party..mas gusto ko ung close ko lang tapos solo ko ung regalo ko(o dba ang damot tlaga)basta never pumsok sa isip ko na mag ggown ako,,,yikes kilabot talaga...
iniisip ko nalng kung ano ung pwede kong ipabili....hmmm.......
speaking of bibilhin...malapit ko na mabili ung gusto ko...mp3 player!(well...kung iku2mpara....walang panama i2ng bibilhin ko sa dati kong mp3...pero wala akong choice kasi sira na ung dati...e wla naman pagawaan ng creative dito...pero ung bbilhin ko creative padin ung mumurahin nga lang....)oh well at least meron....at hindi din sya ganun ka mura ha...kung ibabase mo sya sa daily allowance ko....kelangan ko muna sumuka ng dugo bago ko maipon yun...syempre...hindi ko naman ggwin un...mejo konting pamemerwisyo ang gagawin ko sa magulang ko at hihingi ng konti...konti lang na pandagdag...kasi kung hihintayin ko makaipon...hala! aabutin ata ako ng syam syam sa pag iipon...oy ang hirap mag ipon ha...kala mo....
may naipon na ako dati ..sobra pa sa pambili ng mp3...kaso nagkasakit ang doggy ko...e ang dami ng nagastos ni daddy sa operation palang so naisip ko na gamitin ung ipon ko pambili ng gamot....bye bye pera...pero walng regrets yun ah...ksi kung hindi ko un ginawa....malamang tepok na yung aso ko...at alam namn ng lahat na sobrang iiyak ako pag nangyari un...hmm...so ok lang sabi ko...maiipon ko naman ulit un..
hay...oyan...andame ko ng nakwento ha...siguro next update ko pagtapos na ng paskuhan...MERRY CHRISTMAS!!hehe